Mga ulan at baha sumasabay sa krisis

GRABE na talaga ang krisis sa langis at ha-napbuhay ng lahat ng mga nakadepende sa produktong ito.

Ngayon nga ay giyera na sa Libya at maaaring maganap ang sinasabi ni Libyan leader Moammar Gadahfi na war zone na maging ang Mediterranean Sea na isang daluyan ng mga langis palabas sa mga Arabong bansa.

May mas basehan ngayon ang mga kompanyang langis na magtaas ng presyo ng mga produktong langis o petrolyo.

At tiyak namang maghihirap ang milyon-milyon sa atin na nabubuhay sa langis.

Nabubuhay sa langis ang mga operator, drayber, konduktor, mekaniko ng mga pampublikong sasakyan,  ang mga magsasaka na hindi na gumagamit ng mga kalabaw, ang mga mangingisda na hindi na rin gumagamit ng mga layag at sagwan.
Milyones, mga Bro, ang mga ito na maghihirap.

Pero hindi yata tayo nauubusan ng kamalasan.

Sa Visayas at Mindanao, bumalik ang tag-ulan at tagbaha. May iniulat na ngang 12 nalunod at namatay sa landslide sa nasabing mga lugar.

Sabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, hanggang Hunyo ang kamalasang ito.

Paano kaya ang mga kabuhayan ng mga biktima?

Para sa mga magsasaka, nabulukan o nasiraan na nga sila nitong nakaraang mga buwan dahil din sa mga ulan at baha, mabubulukan at masisiraan pa ulit sila ng kanilang mga bagong pananim.

Por dios por santo, what’s happening to our country, PNoy?

oOo

Bigyan naman natin, mga Bro, ng espasyo ang ating mga reader.

PARA KAY PNOY

si PNoy,  nambola noong eleksyon.

May pagbabago raw. At nagbago nga ang toll fee, pamasahe sa jeep at pati pamasahe sa LRT babaguhin din. Sa 9 years, si Gloria ay gumawa ng paraan.
Si PNoy, walang alam na paraan. Pati kampo Aguinaldo at Crame, ibebenta raw. Kulang na lang na isama nito ang Luneta. Nagmana sa nanay niya! Kawawa ang ating Bayan.

Kailan tayo makahahanap ng matinong Pangulo? Pls. pass to your friends para makarating ito kay PNoy!   0921697
oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply