Milyones babaha sa ‘Barako deal’

SIGURADO umanong babaha ng pera sa inaabangang pag-aapruba sa aplikasyon ng Phoenix Petroleum sa Philippine Basketball Association (PBA).
Ang petroleum company ay interesadong kunin ang naghihirap nang Barako Bull franchise na pansamantalang inookupahan ngayon ng Smart Gilas bilang guest team sa liga.

Ayon sa mga sources, malapit nang maplantsa ang kasunduan sa pagitan ng petroleum company at Barako kung saan malaki umano ang perang sangkot.

Nabatid pa sa isang source na ang bayaran sa prangkisa ay hindi bababa sa P60 million na unang binayaran ng nalusaw na Photokina franchise noon pang 2000 matapos itong umentra sa liga bilang expansion team.

Isang dokumento na rin umano ang naiparating sa liga para sa posibleng pag-takeover ng Phoenix subalit hindi pa ito inaaprubahan ng board.

Kapag nagkataon, ang Phoenix ang magiging pangalawang petroleum company na lalahok sa PBA kung saan nauna ang Pilipinas Shell na bumili ng prangkisa ng maalamat na Crispa Redmanizers noong 1985.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply