Mindanao, Palawan uulanin

UULANIN at magiging makulimlim ang Mindanao at Palawan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Anila, magkakaroon din ng kalat-kalat na ulan, pagkidlat at pagkulog na maaaring maging sanhi ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Ang ibang bahagi naman ng bansa ay magiging maulap din na kung minsan ay may kasamang pag-ulan at pagkidlat.

Banayad naman ngunit maalon umano ang hanging iihip sa Northern Luzon at iba pang bahagi ng bansa, partikular sa mga tabing dagat.

Ang Metro Manila umano ay makararanas ng bahagya hanggang sa maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan.

Mahina hanggang sa katamtamang hangin naman mula sa hilagang Silangan ang iiral sa Manila Bay, na may katamtamang pag-alon.

Samantala, magkakaroon ng malakas ngunit malamig na hangin na makaaapekto sa Northern Luzon at karagatan na malapit sa Central Luzon sa dakong gabi kaya may babala sa mga mangingisda na huwag munang lumabas sa karagatan.

Magkakaroon din umano ng malalaking alon na maaaring ikalubog ng mga maliliit na sasakyang pandagat. Nenet Villafania

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply