Mining applications suspendido muna –DENR

NANGANGALAHATI na sa paglilinis ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng mga pending mining applications sa buong bansa, pahayag kahapon ni Environment Secretary Ramon Paje.

Ayon kay acting MGB Director Leo Jasareno, naaksyunan na nila umano ang may 1,150 mining applications, o 53% ng 2,180 pending mining applications sa buong bansa, noong February 2011.

Ani Paje, positibo ang MGB na matatapos ang lahat ng kanilang trabaho bago matapos ang taon.

Matatandaang inatasan ni Paje ang mga regional offices ng MGB na linisin ang 50% ng kanilang trabaho hanggang February 20, at tapusin naman ang lahat ng pending at inactive mining applications hanggang December 2011.

Umaabot sa 903 mining applications ang tinanggihan ng MGB, samantalang may 247 mining applications naman ang kanilang inindorso.

Maliban sa mga pending mining applications, ang mga exploration periods ng mga mining contracts na pasok na sa loob ng limang taon o higit pa, at mga kontrata sa pagmimina na tatlong taon nang hindi naipatutupad ang mga work programs ay bibigyan din umano ng pinal na aksyon.

Sinabi rin ni Paje na suspendido pa rin ang pagtanggap ng bagong mining applications bilang bahagi ng pagreporma sa mining sector. Nenet L. Villafania

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply