Miriam pinalagan sa Rules vs Merci

PINALAGAN ng ilang senador sa panukala ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na ipagbabawal ang sinumang miyembro ng Impeachment Court kabilang ang akusado, abogado, prosekusyon at testigo na mag-text o mag-chat sa internet habang nililitis ang Articles of Impeachment.

Sa magkakahiwalay na panayam, mahigpit na tinutulan ito nina Sens. Vicente Sotto III, Jinggoy Estrada at Alan Peter Cayetano kaya nagpatawag ng caucus ang plenaryo upang talakayin ang panukala ni Santiago.

Sinasabi sa panukala ni Santiago na “No senator-judge shall communicate with any person who is not a senator-judge, in the course of and concerning the proceedings of the impeachment trial until after final judgment. Such prohibited means of communication with non-judges during the trial particularly include cellphone texting, internet chatting and the like.”

“Kung saka-sakali ang isang senador ay nagtanong halimbawa sa prosecutor o sa defense tapos ang tanong na iyon ay hindi nagustuhan ng taumbayan, siyempre iki-criticize siya ng taumbayan, ibig sabihin ang senador kailangan tahimik lang, hindi dapat sumagot. Kailangan sumagot din ang senador sa lahat ng magiging akusasyon laban sa kanya,” dagdag ni Estrada.

Hindi rin kumbinsido si Cayetano sa panukala ni Santiago dahil kailangan umanong maging bahagi ng paglilitis ang buong sambayanan sa pamamagitan ng paghahatid ng impormasyon hinggil sa nangyayari sa paglilitis.

Nakatakdang aprubahan ngayong araw ng Miyerkoles, Marso 23, at huling sesyon ng Senado ang panukalang Rules of Procedures na gagamitin ng Impeachment Court hinggil sa isasampang Articles of Impeachment laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez hinggil sa betral of public trust. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply