Misa laban sa katiwalian, planong idaos

ISANG regular na misa para labanan ang katiwalian at pagkakaroon ng good governance sa bansa ang planong idaos ng church group na Association of Major Religious Superiors of the Philippines.

Ayon kay AMRSP chairperson sister Mary John Mananzan, ang ‘mass for good governance’ ay regular na idaraos tuwing unang Biyernes ng buwan.

Layunin nito na labanan ang katiwalian sa bansa partikular na ang kultura ng systemic graft and corruption sa Pilipinas.

Ipananalangin sa idaraos na misa na mas maraming mamamayan ang manindigan para sa katotohanan sa pamamagitan ng mga whistleblower.

Magugunitang lumantad sina dating budget officer George Rabusa at Heidi Mendoza at ibinuking ang pabaon at pasalubong system sa mga nagreretiro at papasok na AFP chief of staff at mga opisyal.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply