Misa para sa mga kontra sa RH Bill idaraos ng CBCP

MAGDARAOS ng isang banal na misa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para kilalanin ang pagsusumikap ng mga kakampi nitong mga kongresista na maharang ang pagsasabatas ng tinututulang reproductive health (RH) bill.

Ayon kay CBCP secretary general Monsignor Juanito Figura, ang naturang pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya ay magsisilbing Thanksgiving Mass para sa lahat ng pro-life organizations, professionals at mga mambabatas.

Nabatid na mismong si Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales ang mangunguna sa idaraos na misa, ganap na 9:00 ng umaga sa Marso 29, sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila, katuwang ang mga miyembro ng CBCP Permanent Council at iba pang mga Obispo at mga kaparian.

“It is specifically for all the pro-life efforts that we have been able to do so far in defending the sanctity of life,” ani Figura sa CBCP website.

Dagdag ng CBCP official, ang naturang liturgical activity ay isang espesyal na pamamaraan ng CBCP upang pasalamatan ang pagsusumikap ng mga pro-life advocates upang isulong ang tunay na kapakanan ng mga Pinoy, kabilang na ang mga hindi pa naisisilang na sanggol.

“So it’s a way of commending the efforts particularly by our legislators because largely the struggle is in Congress and eventually in the Senate,” paliwanag ni Figura.

Inanyayahan pa ng CBCP official ang lahat  ng ‘pro-lifers’ na dumalo sa banal na misa na idaraos bago ang anti-RH bill rally sa Quirino Grandstand sa Marso 25.

Nabatid na ang naturang prayer rally na tinawag na ‘grandmother of all RH bill rallies’ ay pangungunahan rin ni Rosales para tutulan ang seryosong banta laban sa pamilya at buhay. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply