Misis binoga ni mister sa Malolos

ISANG misis ang binaril ng kanyang mister makaraang magsampa ng kasong bigamy sa Malolos, Bulacan.

Ayon sa report ng Unang Hirit, agad na namatay si Gina Cañedo, makaraang barilin umano ng kanyang mister na si Alexander habang nag-aabang ang biktima sa McArthur highway pauwi na sa kanilang tahanan galing sa Malolos RTC.

Nabatid na naghiwalay ang mag-asawa noon pang 2002. Nagpasyang muling magpakasal ang lalaki sa ibang babae na nagbunsod kay Gina upang mag-file ng kasong bigamy sa Malolos RTC.

Ayon sa nakasaksi, nag-aabang ng sasakyan si Gina nang bigla na lamang may umakbay sa kanyang lalaki at pinagbabaril ang biktima.

Sakay ng isang Mitsubisi adventure ang lalaki at tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Nagharap na ng kasong parricide si Alen, anak ng biktima, kay Alexander.

Nakalagak ngayon sa Tondo ang biktima. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply