Misis na-trauma sa text message, nagpakamatay

DAHIL sa text message, na-trauma ang isang ginang na naging dahilan upang magpakamatay kaninang umaga sa Pasay City.

Dakong alas-nuwebe ng umaga nang madiskubre ni Ricardo Aspe, 31, driver, ang bangkay ng kanyang asawa na si Genaly Aspe, 26, sa loob ng kanilang inuupahang bahay sa 162 Kapisanan / Apelo Cruz Street, Malibay ng nabanggit na lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Dennis Desalisa, naisalaysay ni Ricardo na alas-sais kagabi ay nakita niyang malilim ang iniisip ng kanyang asawa ngunit hindi umano niya ito pinansin.

Dalawang araw na umano itong nakikitang walang kibo at hindi mapalagay kaya minabuti niyang bantayan ang biktima.

Kaninang alas-sais ng umaga, Marso 14, bumaba ng bahay ang mister upang maglaba ng maruruming damit at iniwanan ang asawa sa kanilang silid tulugan.

Makalipas ang tatlong oras ay umakyat ang mister at laking gulat nito nang makita si Genaly na nakabitin sa kisame gamit ang isang puting nylon cord na nakapulupot sa leeg nito na dahilan ng pagkasawi nito.

Natuklasan sa cellphone ng biktima ang text message ng isang nagpakilalang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagbabantang sasampahan ng kaso dahil sa pagsasanla ng “super kalan” na isinanla rin sa mag-asawang Aspe.

May mga mensahe ring nakita ang imbestigador na huhulihin at ipakukulong ang biktima sakaling hindi mabawi ang super kalan ng may-ari nito na pansamantalang nagbakasyon sa lalawigan ng Bicol.

Hinihinala ng awtoridad na ang text message ang naging daan upang matakot at magulo ang kaisipan ng biktima kaya ito nagpakamatay. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply