Mister dedo sa bwelta ng nakaaway ni misis

DALA ng matinding galit, pinagsaksak at napatay ng isang drayber ang mister ng kanyang nakaalitan at nasugatan ang kasamahan ng huli sa Quezon City, Biyernes ng gabi.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Julian Fernando, 28, ng Barangay Tatalon, na nagtamo dalawang saksak sa katawan.

Inoobserbahan pa sa nasabing pagamutan ang kasama ng biktimang si Rolly Cervantes, 31, na nagtamo ng isang saksak sa kanyang tagiliran.

Agad nadakip ang papatakas na suspek na si Julius Brazil, 35, taxi driver at residente ng BarangayTatalon.

Batay sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD), naganap ang insidente pasado alas-onse kamakalawa  ng gabi sa kahabaan ng  Kaliraya st. sa nasabing barangay habang naglalakad pauwi ang mga biktima.

Ayon sa mga testigo, biglang sinugod ng suspek si Fernando at inundayan ng magkakasunod na saksak sa katawan. Matapos nito ay pinatuunan nito ang kasama ni Fernando na si Cervantes at sinaksak ito sa tagiliran.

Bago ito ay nakaalitan ng suspek ang live-in partner ng biktima sa hindi pa malamang kadahilanan sa isang inuman.

Maaaring hindi umano matanggap ng suspek ang inabot na kahihiyan sa pakikipagsagutan nito sa babae kaya pinagbuntunan ang mister ng kaalitan. Alex Ching

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply