Mister, kinulit na sinaksak pa ng kainuman

MALUBHANG nasugatan ang isang mister matapos kulitin na ay saksakin pa ng kanyang kainuman sa Caloocan City.

Ginagamot na sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa katawan si Rey Gozon, 41, ng Sawata, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Allan Daban at kapitbahay ng biktima.

Sa ulat, alas-10:50 ng gabi, kainuman ng biktima ang suspek sa harap ng bahay ni Gozon nang mangulit si Daban na nauwi sa pagtatalo hanggang bunutin ng suspek ang dalang patalim at tarakan si Gozon.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman si Gozon sa PDMMMC. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply