Mister nadulas, todas sa dalang patalim

UTAS ang isang mister matapos masaksak ng bitbit na patalim nang madulas sa Malabon City, Lunes ng hapon, Pebrero 28.

Dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa dibdib si Rommel Pilapil, 38, store owner ng Don Basilio Bautista blvd., Hulong Duhat, nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-2:30 ng hapon nang makatalo ng biktima ang misis na si Irish sa loob ng kanilang bahay kung saan kumuha ng patalim si Pilapil.

Naawat naman siya ng mga kaanak hanggang sa maayos ang gulo subalit nang isasauli na ng biktima ang kutsilyo sa kusina ay nadulas siya at pagbagsak ay minalas na tumusok sa dibdib ang dalang patalim. Rene Manahan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply