MMDA nakahanda na para sa tigil pasada

NAKAHANDA na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para salubungin ang nakakasang transport strike na isasagaw ng transport group sa Huwebes, Marso 31.

Sa ginanap na inter-agency meeting, sinabi ni MMDA chairman Francis Tolentino nakahjanda na sila para ikalat ang mahigit na 60 bus para magbigay ng libreng sakay sa publiko sakaling maparalisa ang
transportasyon sa Metro Manila.

“We will provide all the necessary services and manpower to make sure that the commuting public will not be affected by the protest action,” pahayag ni Tolentino

Ang pagpupulong ay dinaluhan ni General Nicanor Bartolome ng Philippine National Police – National Capital Region Police Office, Dante Lantin ng Land Transportation Office, Col. Rene Santos ng Armed

Forces of the Philippines National Capital Region Command, abogado na si Manuel Iway ng Transportation Franchise Regulatory Board, at local government officials mula Manila, Mandaluyong, Pasay, at Quezon City.

Tinatayang aabot sa 200 jeepneys ang inaasahang makiki-isa sa protest caravan na magsisimula sa Quezon City Memorial Circle (QCMC) patungong  Mendiola sa Maynila.

Nanawagan si Tolentino sa motorista na iwasang gamitin ang main roads mula sa  QCMC hanggang  Mendiola, Quezon Avenue para hindi magsikip ang daloy ng trapiko. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply