MMDA: Transport caravan ng Piston ‘wa epek’

WALANG gaanong epekto ang isinagawang transport caravan ngayong umaga, Marso 31 sa Metro Manila ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operaytor Nationwide (Piston), ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino, base sa kanilang pagmomonitor ay kaunti lamang ang nakilahok sa nasabing caravan.

Kahit na hindi gaanong nakaapekto ang kilos-protesta ng ilang transport groups ay mayroon pa rin inilaang libreng sakay para sa publiko ang MMDA.

Maging ang Armed Forces of the Philippines-National Capital Region Command ay naglaan ng 35 trak at bus para sa libreng sakay  sa commuters. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply