Monetary assistance sa OFWs mula Libya dadaan sa proseso

IPINALIWANAG ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) hinggil sa pagbibigay ng tulong pinansiyal sa overseas Filipino worker (OFW) na lumikas ng Libya.

Nilinaw ni OWWA Administrator Carmelita Dimzon na dadaan sa proseso ang pagbibigay ng finacial assistance at dapat itong sundin.

Hindi rin aniya basta-basta makukuha ng mga OFW na tumakas sa Libya gaya ng ninanais ng ilang mga OFW na narito na sa Pinas.

Nilinaw ito ng OWWA dahil na rin sa ilang reklamo na nakararating sa kanilang tanggapan na umano ay pahirapan ang pagkuha ng sinasabing financial assistance.

Klinaro rin ni Dimzon na kahapon, Miyerkules, Marso 2 ay nakapagsimula na silang magbigay ng financial assistance tulad sa kanilang unang anunsyo. Remate Online

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply