Mosque sa Pakistan pinasabog, 19 sugatan

LABING-SIYAM ang sugatan sa dalawang sunod na pagpapasabog sa isang
mosque sa Pakistan.

Nabatid na nagkakaroon ng pagpupulong ang mga miyembro ng parliamento sa Eidga mosque, Jalalabad, Pakistan para sa pagpapatanggal sa gobernador ng lugar nang mangyari ang pagsabog ayon kay Nasratullah Arsala, isang Provincial Council member.

“The first explosion took place at 11:00 and the second explosion took place at around 11:20”, pahayag ng tagapagsalita ng gobernador na si Ahmadzia Abdulzai.

Agad na isinugod sa isang lokal na hospital ang mga sugatan.

Dalawang linggo na ang nakararaan nang maghain ng petisyon ang mga mambabatas para alisin sa puwesto ang gobernador ng Nanagarhar Province na si Gov. Gulagha Sherzai dahil sa katiwalian at kurapsyon, paliwanag ni Arsala. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply