Mr. Universe naka-upset

PUMABOR kay Mr. Universe ang panglulutsang ginawa ni Calibato Kid kay top choice Desperado upang sa home turn ay lampasan ng una ang huli sa naganap na Three-year-old Conditions A-1-2 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Paglabas ng aparato nagbugbugan agad sa unahan sina Calibato Kid at Desperado habang nakamasid sa kanila si Mr. Universe na nirendahan ni Class A rider Karvin Malapira sa pang-limang pwesto.

Pagpasok ng far turn ay nagsimula ng lumapit sa unahan ang winning horse upang sa pagsapit ng huling 100 metro ng laban ay maagaw na nito ang bandera sa hinihingal na si Desperado.

Tinawid si Mr. Universe ang meta ng may apat na kabayo ang distansya sa sumegundong si Desperado habang tumersero si Olajuwon.

Nokopo ni Mr. Universe ang added prize na P20,000 na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) matapos magtala ng tiyempong 1:21.4 sa distansyang 1,300 meter race.

Samantala, si Kitty West naman ang nakasungkit ng added prize na P10,000 matapos manaig sa Three-year-old Maiden 1-2.

Pumangalawa si Double Play habang tersero si Elusive Wind. Elech Dawa

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply