Mrs. Ligot na-highblood!

PANSAMANTALANG inihinto ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagtatanong kay Mrs. Erlinda Ligot hinggil sa pabaon scandal matapos mapaiyak at tumaas ang blood pressure bago kuwestiyunin sa multi-milyong ari-arian na hinihinalang kinulimbat ni dating AFP comptroller B/Gen. Jacinto Ligot.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee sa pamumuno ni Sen. Teofisto Guingona III, inatasan ng senador ang mga doktor ng Senate Medical and Dental Services na suriin ang kalagayang pisikal ni Mrs. Ligot.

Ayon kay Mrs. Ligot, masama umano ang kanyang pakiramdam sa kanyang pagharap kahit normal ang kanyang kondisyon matapos magpasuri sa Veterans Memorial Medical Center mula noong Martes hanggang Huwebes nitong nakaraang linggo.

“To tell you frankly your honor, I am not feeling well. Noong Thursday ng hapon, nagcheck out ako after ang aking endoscopy na normal naman po,” ayon kay Mrs. Ligot.

Sa puntong ito, inatasan ni Guingona ang isang Dr. Renato Sison na kunin ang blood pressure ni Mrs. Ligot upang matiyak ang kondisyon.

“Dr. Sison, please attend to Mrs. Ligot and get her blood pressure,” ayon kay Guingona.

Pagkatapos makunan ng blood pressure si Mrs. Ligot, kaagad hiniling ni Dr. Sison sa komite na kailangan munang magpahinga ng testigo dahil tumaas ang kanyang blood pressure.

Kaagad namang dinala ng staff ng Senate Medical and Dental Services si Mrs. Ligot upang masuri nang mabuti at makapagpahinga. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply