MRT-3 coach nadiskaril: Pasahero naglakad sa railroad

MULING nadiskaril ang isang bagon ng Metro Rail Transit (MRT-3) sa Quezon City, umaga ng Lunes, Marso 21.

Ayon sa report ng dzBB, nadiskaril sa may southbound (Taft Avenue-bound) ang MRT-3 coach bago ito makarating ng GMA-Kamuning station galing sa Quezon Avenue station.

“Technical problem daw ang sabi,” ayon sa isang pasahero na napilitang lumabas ng train at maglakad sa kanilang elevated railroad tracks.

Samantala, tumanggi namang magbigay ng komento ang mga guwardiya at personnel hinggil sa nasabing insidente.

Tinulungan naman ng mga MRT personnel ang mga pasahero na makalabas sa naapektuhang bagon.

Matatandaang nadiskaril din noong Enero 20 ang bagon ng MRT-3 kung saan napilitang maglakad sa elevated railroad nang biglang huminto ang isang bagon sa kalagitnaan ng Cubao at Santolan stations. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply