Murder suspect namaril ng pulis, tiklo

KALABOSO ang isang murder suspect na matagal nang hinahanap ng kapulisan matapos barilin ang isang sumisitang pulis sa Negros Occidental.

Ayon kay SPO1 Rafael Abellar ng Talisay City Police Station, naglalakad umano si Jose Rojo sa harapan ng SWAT headquarters nang mamataan ng pulisya. Nang akmang aarestuhin na ang suspek, kaagad itong bumunot ng baril at pinaputukan ang pulis subalit hindi niya ito natamaan. Gumanti ang pulis at tinamaan ito sa kaliwang bahagi ng katawan.

Agad na dinala si Rojo sa Corazon sa Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital upang mabigyan ng karampatang lunas.

Nabatid na magpapagaling muna ang suspek sa ospital at pagkatapos ay ililipat na ito sa piitan. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply