Muslim solons pinasalamatan si PNoy

WALONG kongresista ang nagpaabot ng kanilang pasasalamat kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino, III dahil sa pagpabor nito na magsagawa ng konsultasyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kaugnay sa balaking pagpapaliban ng eleksyon doon.

Ito ay nang ipatawag ang mga muslim solons sa Malakanyang upang konsultahin ng pangulo sa pangunguna ni Sulu Rep. Tupay T. Loong, chairman ng House Committee on Muslim Affairs na kasamang nag-walk out sa botohan ng komite at ng House Suffrage committee na nagpasa sa committee level ng panukalang “postponement and appointment.”

“The President’s effort to meet and consult us, Muslim legislators, on the proposed ARMM election is a noble gesture worth commending. PNoy instructed the conduct of at least two public consultations on the proposed postponement of the ARMM election,” ayon kay Loong.

Kabilang sa mga dumalo sa pagpupulong sina Reps. Bai Sandra Sema (1st District-Maguindanao), Simeon Datumanong (2nd District-Maguindanao), Nur-ana Sahidulla (2nd District-Sulu), Jim Hataman-Salliman (lone district-Basilan), Raden Sakaluran (1st District-Sultan Kudarat), Acmad Tomawis (ALIF Party-List ) at Rep. Arnulfo Canonigo (KAKUSA Party-List).

Mahalaga ayon kay Loong na madinig ang saloobin at opinyon ng mga ordinaryong mamamayan ng ARMM.

Binigyang diin pa ni Loong na “Our people deserves to be heard. They are the stakeholders of whatever reform agenda our government shall institute in ARMM, be it electoral reform, policies to strengthen good governance in our region or programs to alleviate the impoverished lives of our people.”

Kasabay nito ay hiniling din ni Loong kay Pangulong Aquino at sa gabinete na repasuhin ang ARMM Organic Act at ikonsidera ang pagpapatupad nito bilang pagpapakita ng adbokasiya ng pamahalaan na maipatupad ang lahat ng ARMM policies.

Kabilang sa pinarerepaso ni Loong ay ang probisyon na dapat magkaroon  ng representasyon ang Muslim community sa mga ahensya ng pamahalaan at sa mga embahador na ipinadadala sa mga Muslim countries. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply