MWSS officials pinakakasuhan sa ‘ghost projects’

HAHANTONG sa Ombudsman ang pagpapahintulot ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na makapaningil ng P4 bilyon ang Manila Water at Maynilad sa diumano’y ghost projects nito.

Hinamon ni Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy si Ombudsman Merceditas Gutierrez na imbestigahan at kasuhan sa loob ng 60 araw ang mga tiwaling public officials.

Ginawa ni Herrera-Dy ang hamon kasunod ng pagtiyak na posibleng maharap sa kasong kriminal ang ilang opisyal ng MWSS-Regulatory Office dahil sa pagpapahintulot sa dalawang water concessionaires na komolekta ng P4 bilyon sa water consumers para sa mga proyektong hindi pa naman naipatutupad o pinaplano pa lamang.

Ang mambabatas ang humiling sa MWSS at  MWSS-RO na ipatigil ang Manila Water Company at Maynilad Water Service Inc. ang koleksyon.

“Evidence we gathered from the hearings conducted by the good government committee point to the possibility of an Ombudsman probe. I therefore appeal to Ombudsman Gutierrez not to treat the case the same way her office has handled the fertilizer scam, NBN-ZTE scandal and other high profile cases that have become solid bases that support her impeachment,”sinabi pa ng kongresista.  Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply