Myanmar niyanig ng magnitude 7 na lindol

NILINDOL na may magnitude 7.0 ang hilagang silangan bahagi ng Myanmar.

Batay sa U.S. Geological Survey, namataan ang lindol malapit sa border ng Thailand at Laos na may layong 70 milya o 110 kilometro sa northern Tahi City ng Chiang Rai.

Tinatayang may lalim na 230 kilometro ang naturang pagyanig.

Ayon pa sa ulat, naramdaman din ang pagyanig sa Bangkok, Thailand.

Kaugnay nito, walang tsunami warning na inilabas ang Pacific Tsunami Warning Center. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply