Nabawasan na naman kami!

BAGO ako magpatuloy ay nais ko sanang ipahatid ang aking taus-pusong pakikiramay sa mga naulila ni Maria Len Flores-Sumera, isa sa mga kapatid naming sa hanapbuhay, na pinaslang ng hindi pa nakikilalang salarin habang siya ay papasok sa trabaho kamakalawa ng umaga sa Bgy. Maysilo, Malabon.

Si Len ay public service anchorwoman ng “Arangkada 1530” sa radyo-DZME. Ika-anim si Len sa mga babaeng taga-media na pinaslang magmula pa noong rehimeng-Marcos.

Sa kabuuan, umabot na sa 143 ang bilang ng mga napapatay na media personnel dito sa ating bansa. Lahat iyan ay may kinalaman sa aming propesyon.

Sana’y malutas kaagad ang kasong pagpatay kay Len. Balita ko ay tumbok na ng Task Force Sumera kung sino-sino ang mga may kinalaman sa brutal na krimeng ito.

Para sa ‘yo Len, nawa’y maging mabilis ang iyong paglakbay patungo sa kaharian ni Bathala!

* * * * * * * *

DUMARAMI ang reklamo ng mga members ng Social Security System laban sa pamunuan ng nasabing ahensiya ng ating pamahalaan.

Hirap daw silang maka-avail ng benepisyo katulad ng salary o medical loans lalo na kapag kailangang-kailangan nila.

Katuwiran naman ng SSS ay intact daw ang kanilang pondo at anumang oras ay puwede nilang ipagkaloob ang tulong sa sinumang miyembro na nangangailangan nito.

Ang problema ay wala sa SSS kundi nasa mismong account ng mga miyembro. Hindi kasi sila nakapagre-remit ng kanilang kontribusyon sa takdang oras.

Ibig sabihin, delinkuwente ang kanilang mga employer kung empleyado ang isang miyembro.

‘Yan ang totoong nangyayari ngayon. Maraming employer ang hindi nagbabayad o nagre-remit ng contributions sa SSS gayung kinakaltas naman nila ang halaga nito sa kada buwan mula sa suweldo ng pobreng manggagawa.

Ito rin marahil ang nangyayari sa GSIS. Binabawasan ng knotribusyon kada buwan ang kita ng bawat government employee nguni’t hindi kaagad nakakarating sa GSIS dahil naka-bangko pa o kaya’y naibulsa na ng ilan.

Kaya’t kapag nangangailangan ng tulong ang isang miyembro ng SSS o GSIS ay halos lumusot sa butas ng karayom sa kakaayos ng kanilang mga loan applications.

Pero siyempre, hindi lang naman ito ang dahilan kung bakit maraming miyembro ng GSIS at SSS ang nagrereklamo!

Marami na kasing mga tagapangasiwa o opisyales ng dalawang ahensiyang ito ng gobyerno na naging “instant millionaires” matapos makapagnakaw sa perang inipon ng mga miyembro!

Mga buwakanang-ina n’yo!

* * * * * * * *

Mula sa 09196230444:

“Gud pm. Salamat po at inilabas ninyo ang anomaly sa GSIS. Nakapa-loan po ang tatay ko noon sa GSIS. Nagre-remit naman ng contributions ang tatay ko pero hindi pino-post ng GSIS. Pinahinto po ng tatay ko ang pagkaltas sa sahod  niya ng ni-loan niya dahil lokohan na po ang nangyayari. Ito ay yung kasagsagan ng paggawa ng GSIS ng e-card. Lumalabas na may utang ang tatay ko ng P50,000.  Ang saklap naman po. Sa kaunting pera na ni-loan, ang laki ng balik na utang. Kung tutuusin, hindi naman po kasalanan ng member kundi ng GSIS dahil hindi sila nag-post ng contributions ng members nila noon.”

* * * * * * * *

Mula sa 09194610646:

“Gud pm sir. Sana maging effective na ang panukalang batas ni Senator Bong Revilla na sa edad 55 ay puwede nang mag-pension . Kasi kami dito sa fishing, 57 anyos na ay nagpapala pa ng isda. Hirap at sakit sa baywang” – Noel Barrios ng Mercidar Fishing Corp. sa Navotas City.

* * * * * * * *

Mula sa 09217334729:

“Gud am sir. Isama nyo na po sa binabanatan nyong illegal bookies si Totie Jose ng Bgy. 161 sa Pampanga St., Gagalangin, Tondo. Malakas daw siya sa MPD Station 7. May mga police protector din siya dahil sobra daw talaga ang lakas niya sa pulis at mayabang pa.”

* * * * * * * *

“Magandang umaga po sa inyo. Malakas po ang bookies dito ni Kiring “Kalbo” Mercado. Karera at EZ2 po dito sa Vitas at P. Florentino, Tondo.”

* * * * * * * *
Anumang reklamo, komento o suhestiyon, text o tawag lang sa 0999-4333437 o kaya’y e-mail lang sa boyetmunar@yahoo.com at malugod ko kayong paglilingkuran! Boyet Munar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply