Nag-amok binoga ng sekyu

PATAY ang isang nag-amok na lalaki sa loob ng isang construction site matapos mabaril ng security guard doon Sabado ng hapon, Marso 19, sa Tondo, Maynila.

Namatay matapos ang ilang oras na pakikipaglaban kay kamatayan dakong alas-4:30 Linggo ng madaling araw, Marso 20, si Danilo de Lumen, construction mason, tubong Daraga, Albay at stay-in sa Phil.Cold Storage Inc. sa Pier 18, North Harbor, Tondo, Maynila.

Sugatan naman si Joey Llona, 37, foreman ng Momentum Construction Development Inc., at nakatira sa Brgy. Pagbay, Antipolo City na kasalukuyan pa ring nilalapatan ng lunas sa Manila Doctors Hospital sanhi ng tinamong tama ng saksak sa katawan.

Kusa namang sumuko sa pulisya si Alejandro Montes, 27, binata, security guard ng Domster Security Agency at nakatalaga sa construction site ng Phil.Storage Inc sa nasabing lugar at residente ng 649 Zone 68 Baseco Compound, Port Area, Manila.

Nabatid kay SPO2 Edgardo Ko,imbestigador ng MPD-Homicide Section na dakong 1:30 ng hapon noong Sabado nang maganap ang insidente sa loob ng construction site.

Nauna rito,nagbibigay umano ng instruction si Llona sa testigong si Jeffrey Perfecto, nang bigla na lamang sumulpot si  de Lumen at biglang hinawakan ang braso ni Llona saka walang sabi-sabing sinaksak ito sa kaliwang bahagi ng balikat.

Bagamat sugatan si Llona ay nakatakbo pa ito palayo kay de Lumen at humingi ng saklolo sa mga kasamahan ngunit nagwala ang una at inatake ang iba pang kasamahan nito sa construction site.

Tiyempo namang nakaduty ang guwardiya na si Montes at nang tangkain siyang saksakin ng biktima ay agad niyang pinutukan ng kanyang service firearm ARMSCOR shotgun na mays serial number na 784743.

Isinugod pa si  de Lumen sa Tondo Medical Center subalit namatay din ito makalipas ang halos 16 oras sanhi ng tinamong tama ng bala ng shotgun sa kanang bahagi ng tiyan.

Nakuha naman sa pinagyarihan ng krimen ang shotgun at ang patalim na ginamit sa pananaksak ng nasawi. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply