Nagbebenta ng karneng baboy, dismayado rin sa pork price hike

UMAANGAL na maging ang mga pork vendors bunga ng patuloy na pagtaas ng presyo ng kanilang ibinebentang produkto.

Masakit na umano sa bulsa ang pag-angat ng presyo dahil tumaas din ang kanilang puhunan sa pag-angkat ng karneng baboy.

Ayon sa ilang nagtitinda sa palengke ng Pasay City Public market, hindi naman nila magawang maipasa sa mga mamimili ang dagdag-presyo dahil tutumal naman ang kanilang bentahan.

“Magtitiis na lang ang mamimili sa noodles o kaya sa itlog para maitawid ang kanilang gutom, lalo ‘yung mahihirap, magtitiis na lang ‘yun sa pag-inom ng tubig, eh paano yung mga bata?” hinaing ni Loida de Guzman, tinder sa palengke ng Pasay.

Naglalaro ngayon sa P160 hanggang P180 pesos ang kada kilo ng karneng baboy sa mega Q-mart habang nakapako naman sa 170 pesos kada kilo ang presyo ng karneng baboy na katulad sa Kamuning market.

Ayon kay Agricultural Assistant Sec. Salvador Salacup magkakaroon din ng pagtataas sa presyo ng manok ngunit di naman ito aabot sa P130 kada kilo. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply