Nagbibisekleta patay sa saksak

NASAWI ang isang 16-anyos na third year high schol student matapos itong pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang salarin habang nagbibisekleta Sabado ng gabi, Marso 19.

Kinilala ni P/Insp.Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section,  ang biktima na si Manuel del Rosario, residente ng 2460 Oro B Street,San Andres Bukid, Maynila.

Sa report ni PO3 Alonzo Layugan,dakong alas-8:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa Augusto Francisco at Onyx St., ng nasabi ding lugar.

Ayon kay Danilo del Rosario, tatay ng biktima, huli niyang nakitang buhay ang anak dakong alas-7:00 ng gabi habang paikut-ikot na nagbibisikleta sa lugar.

Nagulat na lamang ito nang puntahan siya ng kapitbahay at sabihing nasaksak ang anak ng di nakilalang suspek.

Naisugod pa sa Sta. Ana Hospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival sanhi ng mga tinamong saksak sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan at hita. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply