Nagkakabit ng jumper nangisay, patay

PATAY ang isang kelot matapos makuryente at mahulog sa isang poste ng Meralco habang nagkakabit ng illegal connection ng kuryente sa Caloocan City Biyernes ng hapon.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center ang biktimang lalaki sa alyas na Nonoy, nasa hustong gulang ng PNR cmpd., Samson rd., nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong 3 ng hapon, umakyat ng poste ng Meralco ang biktima sa Samson rd., upang magkabit ng illegal connection ng kuryente.

Nadikit sa live-wire ang biktima na naging dahilan upang makuryente at bumagsak sa kalsada na nangingisay na naging dahilan upang dalhin sa PDMMMC. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply