Nagkanlong kay Lacson ipinatutugis

TUTOL si Senador Antonio Trillanes IV sa plano ng Department of Justice na alamin at kasuhan ang mga nagkanlong kay Senador Panfilo Lacson noong panahon nagtatago sa awtoridad.

Ayon sa senador, magsasayang lang umano ng oras ang DOJ sa plano nila dahil hindi naman ito ganoon ka-importante.

Giit ni Trillanes, makabubuting ituon na lamang ng DOJ ang kanilang pansin sa pagsusulong ng kaso laban sa mga tiwaling opisyal sa nakaraang administrasyon at mga crony nito.

Samantala, sinabi naman ni senador Panfilo Lacson, hinding-hindi siya mapipiga o mapapaamin ng DOJ na sabihin sa kanila kung sino ang mga taong tumulong sa kanyang pagkakanlong sa loob ng 13 buwan.

Ayon kay Lacson, dadalhin umano niya hanggang sa kanyang hukay ang mga pangalan ng mga taong nagkanlong sa kanya at walang makakalam nito dahil tinatawan niya ito ng malaking utang na loob sa mga ito.

Ito ang naging reaksiyon ng senador sa  paggigiit ni DOJ secretary Leila de Lima na malaman kung sino ang mga taong tumulong sa kanyang pagkakanlong.

Kasabay nito, hinamon naman ni Lacson si de Lima na sa halip na alamin kung saan ito nagtago at kung sino ang nagkanlong sa kanya, bakit hindi na laang alamin sa awtoridad kung bakit hindi ito naaresto  habang nagtatago sa kasong Dacer- Corbito double murder. Vicky Cervales

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply