Nagpapautang pinagbabaril sa Makati

PATAY ang isang lalaking nagpapautang makaraang pagbabarilin ng dalawang aramdong lalaki, Huwebes ng madaling-araw sa Makati City.

Namatay noon din bunga ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Antolin Lacson, 55, ng 364 Edang St., Pasay City.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Jayson David ng Makati City police, naganap ang insidente dakong 5:00 ng umaga habang ang biktima ay nakasakay sa kanyang motorsiklo (YS 2234) sa Evangelista St., Makati City.

Pagsapit sa tapat ng Tambunting at Jollibee, dalawang lalaki na nakasuot ng kulay itim na T-shirt ang humarang sa biktima at agad siyang pinagbabaril.

Hinala ng pulisya na may kaugnayan sa pagpapautang ng biktima ang pamamaslang sa kanya.  Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply