Naiuwing OFWs umabot na sa 8,000 —OWWA

UMABOT na sa 8,000 overseas Filipino workers (OFWs)  mula Libya ang nakauwi ng bansa  dahil sa patuloy na ginagawang repatriation ng pamahalaan na inaasahang madaragdagan pa.

Ayon sa ulat ni Administrator Carmelita Dimzon, ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA),  dumating ng Huwebes ng umaga ang 368 OFW na lulan ng isang chartered flight ng Philippine Airlines (PAL) mula sa isla ng Crete sa Greece, isa sa mga lugar kung saan dinala ang mga nilikas na OFWs mula sa Libya.

Sinundan to ng dalawang chartered flights na may 700 OFW na masusundan pa ng dalawang charted flights sakay naman ang may 475 at 358-OFWs.

Samantala, umapela ang OWWA sa Department of Budget and Management (DBM) na dagdagan ang pondo para sa repatriation dahil halos P200 milyon na lamang ang natitira mula sa P500 milyon na repatriation fund. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply