Nakaambang krisis sa pagkain ibinabala

NAGBABALA si  Senator Edgardo  Angara sa nakaambang krisis sa pagkain hangga’t hindi natatapos ang kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Angara, dapat ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ng gobyerno ang food crisis dahil tiyak na patuloy na tataas ang presyo ng pagkain sa buong mundo.

Ayon kay Angara, ang mahihirap ang unang makakaramdam ng krisis sa pagkain.

“Now, the rising price of crude oil would not just trigger but accelerate the increase of food costs worldwide. This would be felt first and foremost by those living in poverty,” ani Angara.

Ipinaliwanag din ni Angara na ang patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina ay sanhi ng patuloy na kaguluhan sa mga bansang pinagkukunan ng langis na nakaaapekto sa presyo ng pagkain.

“Looking at the numbers, I fear that emergency food security measures might not be enough to address future problems. The average Filipino family spends about half of its income on food alone—if this expense eats up any more of the household budget, Filipinos will have to scrimp on other basic necessities,” sabi ni Angara.

Iginiit ni Angara na dapat ng seryosohin ng gobyerno ang paggamit ng “renewable energy sources” at palakasin ang agrikutura upang hindi masyadong umasa sa pag-iimport sa ibang bansa.

Anang senador, dapat nang makipagtulungan ang gobyerno sa pribadong sektor upang mapasigla ang agrikultura at paggamit ng  alternatibong enerhiya. Vicky Cervales

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply