Nakasisira ng kukote ang mga sarbey

NAUUSO ang mga sarbey sa kung ano-anong isyu. At marami ang umiikot ang puwet dahil sa resulta ng mga sarbey. Por eksampol ang ukol sa impitsmen ni Manang Merci.

Sabi ng sarbey rito, aprub ng nakararami ang impitsmen at kinatigan ng mga ito ang pag-aprub din ng Korte Suprema ni Mang Ato Corona sa impitsmen.

Heto ngayon ang Malakanyang, si PNoy lalo na, na nagsasabing kailangang pakinggan ng mga senador na magiging huwes sa impitsmen ang boses ng nakararami.

Kailangang tularan nina Manong Johnny ang mga kongresman na sumunod sa utos bilang boss, este, panawagan ni PNoy na iimpits si Manang Merci?

Hindi pa natutuyo ang laway ni PNoy mula sa kanyang ispits bilang bida sa impitsmen, sumemplang naman ang kanyang kredibilidad sa perpormans bilang bosing ng repablik ni Juan.

Ano yan, huh?

oOo

Sa isang sarbey pa rin, sa bakuran ng mga heneral sa Kampo Aguinaldo matatagpuan umano ang mga pinakakorap na ahensiya ng pamahalaan.

Derpor pinakakorap din ang mga heneral diyan kumpara sa ibang mga onorabol sa pamahalaan? Aba, bakit hindi nasilip sa sarbey ang Malakanyang, huh?

Sa bentahan lang ng mga planta at kawad ng kuryente, nasa $15 bilyon ang pinag-uusapan. Magkano sa palagay ninyo ang katumbas na piso ng 20% tongpats sa $15B?

Ang sigurado, kayang bilangin ng mahina sa mat na greyd siks ang tongpats, pasalubong at pabaon sa Kampo Aguinaldo. Di ba, General Oban?

Pero ang isang wais sa mat ay kamamatayan niya tiyak ang pagbibilang ng bilyon-bilyong tongpats o komisyon sa bentahan ng mga ari-arian ng Napocor.

Eh may basbas diyan ang Malakanyang. Rey Briones

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply