Nakaw na yaman sa Bulacan ng Marcoses, imbestigahan

MINSAN pa nating bigyan ng daan itong ginagawa nating pagbubungkal sa ill-gotten wealth ng mga Marcos na ipinagkatiwala nila sa mayordoma nilang si Mommy Ilao ng Bulacan.

Karugtong: Yung sandamukal na ari-arian ni Mommy Ilao ay nakapangalan sa kinakasama niyang si Fil Sta. Ana at anak na si Jeff Garrido. Ang pamilya ni Mommy Ilao ang nagpapasasa sa mga nakaw na yaman ng Marcoses sa sambayanang Pilipino. Isa pang katunayan ng pagtatapon ng pera ni Mommy Ilao ay nang kumampanya ang apo niyang si Coy Garrido para barangay captain ng Brgy. Guyong sa Sta. Maria, Bulacan kung saan ay gumastos sila ng may P13M para lamang sa may 5000 botante.

Lahat halos ng botante ay binili nila hanggang sa Comelec officials kaya nanalo ang apong si Coy Garrido.

Isa pa ito sa dapat na imbestigahan ng PCGG at Ombudsman. Isa itong malaking isyu na hindi dapat ipagwalangbahala sapagkat pera ng bayan na ninakaw ang ipinagmamalaking kayamanan ni Mommy Ilao at pamilya niya. Hanggang dito na lamang at sanay sa pamamagitan ninyo ay maimbestigahan si Mommy Ilao ng PCGG.

Salamat po.

Concerned Citizen

BOOKIES NG STL  PADER KAY MAYORA

HINDI pa rin tumitigil sa pamamayagpag ang bookies ng STL ni Kapitan Berting sa Batangas City, Batangas.

E paanong mahihinto ang operasyon ng bookies ng STL ni Kapitan Ber-ting sa Batangas City
e, nakasandal yata siya kay Mayor Vilma Dimacuha.

Pasalamat siya at nataon na malakas ang  ‘kapit’  ni Kap. Berting kay Mayora Dimacuha.

Pero subukan mong wala siyang kapit.

Tiyak namang pinagpiyestahan na siya ng mga matatakaw na pulis ng Batangas City.

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 0918-9274764, 09266719269 o e-mail sa juandesabog @ yahoo.com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply