Name ni BOC Comm. Alvarez nine-namedrop ng asungot

IBANG klase pala kung  dumiskarte ng “smiling mo-ney” itong si alyas onorabol Cotong Money ng Bureau of Customs.

Aba’y, nine-namedrop ng onorabol na mamang ito ang malinis at mabangong pangalan ni BOC Comm. Lito Alvarez sa lahat ng shipment na pumapasok sa kung saang port kaya maraming brokers ang umiiyak at nagrereklamo.

Para sa mga hindi nakakaalam, ang tinatawag na “smiling money” e yung ‘tongpats’ po.

Ang palusot daw ni Consultant Cotong Money, e, para kay Comm. Alvarez daw ang kinokolekta niyang “smiling money” pero mariin namang dinidenay ito ng magiting na commissioner ng Customs.

Never daw na mangyayari  ito dahil sa salungat ang pagkolekta ng ‘smiling money’ sa kanyang polisiya na “no take policy” gaya ng PNP.

Heto pa ang matindi, may ibinubugaw pa raw itong si consultant kay Commissioner, ang isang seksing broker na itago na lang natin sa pangalang Korean Gaga.

Ayon sa sources sa loob ng BOC, hanep daw ang wankata nitong si KG, kaya naman ipinagmamalaki raw nito  si  Consultant  na malakas na malakas siya sa kanilang Commissioner.

Matinong tao at galit sa mga kotongero si Comm. Alvarez kaya nasisiguro ko na hindi niya papayagan ang ginagawang katiwalian ni Consultant na magamit  ang kanyang malinis na pangalan.


****
*

Grabeng ‘patulo’ sa Calamba City

HINDI pa rin tumitigil sa pag-o-operate ng ‘patulo’ ng langis at krudo si alyas Edmar sa Lecheria, Calamba, Laguna.

Ibang klase itong si Edmar nang matutong magnakaw ng langis at krudo ay kinarir nito nang husto kaya siya tinawag na ‘patulo king.’

Maraming naging mga contact  na oil tanker si Edmar kaya lumakas ang kanyang pinagkakakitaan. Johnny Magalona

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply