Nanay kritikal sa ligaw na bala

MALUBHANG nasugatan ang 37-anyos na nanay matapos tamaan ng ligaw na bala sa ulo, Martes ng gabi, Marso 1 sa lungsod ng Malabon.

Abala si Teresita Jones, 37, ng 23 Silonian st., Barangay Maysilo sa pagtutupi ng mga damit sa loob ng kanilang bahay nang bigla na lamang masapul sa ulo ng bala ng baril na nagmula sa bubungan bandang alas-diyes ng gabi, base sa isinigawang imbestigasyon ni PO3 Edse De Lapaz.

Bumagsak ang biktima sa sahig dahilan upang dali-daling saklolohan ng kanyang mister at nang tingnan ay laking gulat nang makitang may dugong umaagos sa ulo ng misis.

Agad namang isinugod sa East Avenue Medical Center na patuloy pang nilalapatan ng lunas sa kasalukuyan.

Patuloy namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang awtoridad upang matukoy at maaresto ang  may kagagawan sa pagpapaputok ng baril. Roger Panizal

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply