Nanay ni Ivler umeksena sa Quezon City court

MULING gumawa ng eksena sa Quezon City court ang nanay ni road rage suspek Jason Ivler na si Marlene Aguilar nang magpatuloy  ang pagdinig sa kanyang kaso sa sala ni Quezon City Regional Trial Court Judge Bayani Vargas kanina.

Ang pag-iingay ni Aguilar ay ginawa nang hindi pumayag ang panig ng prosekusyon sa pangunguna ni Senior State Prosecutor Anthony Fadullon sa kahilingan ng kampo ni Ivler na huwag na lamang siyang dumalo sa mga pagdinig ng korte  sa kaso.

Unang iginiit sa korte ng kampo ni Ivler sa korte sa isang manifestation paper na naisumite ng mga ito na nagsasaad na payagan ang una ng korte na huwag nang padaluhin sa pagdinig ng korte dahil hindi naman anila ito kailangan at pagbalik-balik lamang sa kanyang selda na maaaring makaapekto sa sugat nito at para makapagpahinga ito.

Binigyang diin ni Fadullo na kailangan pa ring dumalo sa pagdinig  ng korte  si Ivler upang kilalanin si SPO2 Edgar Teodin na tetestigo sa kaso para sumailalim sa cross examination ng korte.

Nairita rin si Fadullon sa inasal ni Aguilar at sinabi nitong kapag ganoon palagi ang gagawin ng huli ay maaaring maantala ang hearing sa kaso.

Gayunman pinagbigyan na lamang ni Judge Vargas ang kahilingan ng kampo ni Ivler na hindi makapunta sa korte para manahimik na ang kampo ng huli at umusad na ang kaso.

Magugunitang noong nakaraang hearing ng korte sa kaso ni Ivler ay gumawa na ang eksena si Aguilar kaya  naantala ang pagbusisi ng korte sa naturang kaso. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply