Nangreyp ng inmate sa Quezon City sinibak na sa pagkapulis

SINIBAK na ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Benjardi Mantele, ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa Bicutan, Taguig City  si Police Officer 1 Rodrigo Bajog, makaraang akusahan ng panggagahasa sa isang babaeng detainee noong Pebrero 22, 2011 sa loob ng Eastwood Police Station (PS 12) sa lungsod ng Quezon.

Ang rekomendasyon ay base sa  pre-charge evaluation report na isinagawa ng District Investigation and Detective Management Division (DIDMD).

Sinampahan din ang pulis ng kasong rape sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Ayon kay Police Director Mantele, si PO1 Bajog ay hindi na pumasok sa kanyang tungkulin simula Pebrero 22, 2011 hanggang sa buwan na kasalukuyan kaya minarkahan siya ng Absent Without Official Leave (AWOL).

Samantala , upang madetermina kung dapat kasuhan ng administratibo si PO1 Bajog, kinailangang magsagawa muna ng parallel pre-charge evaluation ang DIDMD laban sa apat pang police officer na naka-duty nang maganap ang panghahalay.

Kinilala ang mga night watch officer na sina Police Chief Inspector Bernardo Plan, duty desk officer SPO1 Antonio Turla, duty investigator, PO2 Jerry Flores at PO2 Jaime Lomboy duty radio operator. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply