Nangulila sa misis, mister nagbigti

DAHIL sa labis na pangungulila sa asawang nasa Middle East, nagbigti ang isang mister sa loob ng kanilang bahay kaninang tanghali.

Patay na nang makita si Hernani Guillermo, 46, ng Sitio 6, Catmon, nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-12 ng tanghali nang makitang nakabigti ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto ng anak na si Annie Jane, 16.

Lumalabas na hinanap ni Annie Jane ang kanyang ama upang mananghalian at pagpasok sa kuwarto ay laking gulat nang makitang nakabigti na ng kurtina ang biktima.

Nabatid na labis na pangungulila sa misis ang dahilan ng pagpapakamatay ni Guillermo. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply