Nasasawi sa NZ earthquake, 159 na

TINATAYANG 159 na ang nasasawi sa nakaraang pagyanig sa Christchurch, New Zealand.

Kumpirmado ang nadagdag na tatlong nasawi ngunit hindi nakasama rito ang 11 pang nawawala na mga Pinoy.

Kinilala ang tatlo na sina Jayden Andrews-Howland, 15; Paul Clarence Dunlop, 67; at Andrew Stephen Cochrane, 43.

Pinahayag naman ni Canterbury District Commander, Supt. Dave Cliff, asahan pa ang karagdagang mga pangalan ng nasawi na ilalabas sa mga susunod pang mga araw.

Nabatid na nagkakaroon pa rin ng mga aftershocks sa lugar kung saan tatlo ang naitala sa nakalipas na magdamag.

“Our plea is for people to stay off the roads unless absolutely necessary – and let the emergency services and repair crew get on with rebuilding our city,” pahayag ni Cliff. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply