Nasawi sa baha at landslides 16 na

UMAKYAT na sa 16 ang nasawi makaraang bahain at magkaroon ng landslides bunsod ng malakas na ulan sa ilang parte ng Visayas at Mindanao.

Ayon sa 5 p.m. update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nadagdag sa listahan ang dalawang totoy na napaulat kamakailan na nawawawala.

Nakilala ang nasawi na sina Ramster Cabalejo, 7; at Raynes Mark Polinio, 7, ng kapwa Cacao village, Kananga, Leyte.

Nabatid na kapwa nalunod ang dalawang bata makaraang tangayin ng malakas na daloy ng baha.

Tinatayang P12. 064 milyon kabilang ang P8.064 milyon sa agrikultura at P4 milyon sa imprastraktura. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply