National achievement test kailangang i-impeach

NAUUSO ang impitsmen.

Kahit nagkakandaloko-loko na ang buhay ng mga overseas Filipino worker sa Japan at mga bansang Arabiano, naging buhay na buhay ang impitsmen kay Manang Merci.

Eh ano kung P13 bilyon ang maaaring gastos sa pagpapauwi ng nasa 250,000 OFW sa Japan at mahigit pa para sa mga nabobomba sa Libya at nagugulo sa Bahrain, Syria at iba pa.

Da sho mas go on, sabi ng yelo armi ni PNoy dahil ito umano ang matuwid na daan. Kung saan hahantong ang impitsmen ay wala pang nakaaalam.

oOo

Makikarambola tayo, Suki, sa impitsmen.

Silipin natin ang National Achievement Test sa mga greyd siks sa mga pablik iskul.

Isinagawa ito kamakailan sa buong repablik ni Juan.

Alam ba ninyo na nagkaroon ng dalawang kaso ng likeyds ng mga kuwestiyonir dito. Op kors naman dahil nabalita ito mismo sa ating pahayagan.

Pero ang hindi nabalita ay ang paniniwala na naging malaganap ang dayaan sa eksam na ito.

oOo

Ayon sa mga bata sa mga lugar na hindi nahulihan ng anomang pandaraya, ang instraksyon sa kanila, eh, magmali lang sila ng nasa lima.

Wataymen, nagkaroon ng kodigo ang mga bata at syur na syur sila sa kanilang mga sagot.

Kasabwat nila ang mga bantay nilang guro.

Pero yung mas malalim dito, eh, kahit na naresyapol ang lahat ng mga guro, nagkaroon yata ng instraksyon sa mga ito na magsiper ng kanilang mga bibig at maglagay ng takip sa kanilang mga mata sa harap ng mga pandaraya.

Makaraan nito, maglalabas ang DepEd ng ebalwesyon at sasabihin nilang gumanda ang rekord ng mga pablik iskul?

Magaleng! Pero di ba pupwedeng iimpits ito? Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply