Nationwide immunization vs measles ikakasa ng DOH

ILULUNSAD ng Department of Health (DOH) ang nationwide immunization laban sa tigdas (measles) para sa mga bata.

Ipinayo ni Health Secretary Enrique Ona sa mga magulang na huwag palampasin ang pagkakataong ito para sa kanilang mga anak na nasa 8-9 na taong gulang.

Maliban sa tigdas, puntirya din ng health department ang German measles, na tinaguriang silent disease.

Gagamit ang ahensya ng two-in-one injection sa nasabing programa upang mabawasan ang bilang ng batang namamatay dahil sa mga sakit na ito.

Sinabi rin ng kalihim na maaari muling magpabakuna ang bata matapos ang 28 araw ng huling pagpapabakuna nito.

Ayon pa sa kalihim, malaking tulong na ito dahil makakatipid ang mga magulang ng P15,000, ang kadalasang presyo ng dalawang naturang bakuna. Remate Online

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply