Nationwide registration iniurong sa Mayo

NAGPASYA ang Commission on Elections (Comelec) na sa buwan na lamang ng Mayo simulan ang pagdaraos ng voters registration sa buong bansa.

Batay sa Resolution No. 9168, na ipinalabas ng Comelec en banc, nabatid na sa halip na sa Abril 1, ay sa Mayo 3, 2011, na lamang ipagpapatuloy ang pagsasagawa ng nationwide registration, maliban sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Nauna rito, itinakda ng Comelec sa Abril 1 hanggang Oktubre 31, 2012, ang nationwide registration ngunit nagpasyang ipagpaliban ito sa Mayo 3, dahil kinakailangan pa umano ng mga Regional Election Directors ng sapat na oras upang bumili ng mga application forms at i-deliver ang mga ito sa tanggapan ng mga Provincial Election Supervisors.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, ipinag-utos na nito kamakailan na madaliin ang distribusyon ng voter registration application forms sa mga field offices.

Ipinasa rin umano nila ang awtoridad sa mga Regional Election Directors sa mga Non-ARMM areas, para sa pagbili ng application forms na gagamitin nila sa voters registration sa kani-kanilang nasasakupan.

“The Comelec is decentralizing the procurement of registration application forms. This will make the procurement – as well as the delivery – of these forms more efficient. However, this also means that the Regional Election Directors will need a little more time to carry out these procurements,” paliwanag pa ni Jimenez.

Una nang sinimulan ng Comelec noong Marso 21 ang voters registration sa ARMM bilang paghahanda sa ARMM polls na nakatakda sa Agosto 8, bagamat may mga panukala na i-postpone ito at isabay na lang sa 2013 midterm polls.

Inaasahang magtatapos ang pagpaparehistro ng mga botante sa naturang rehiyon matapos ang 10 araw o hanggang sa Marso 31. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply