Natirang OFWs sa Libya makakalabas pa rin

MAKAKALABAS pa rin ng Libya ang mga natitirang Pinoy na patuloy na naiipit sa tumitinding kaguluhan doon kahit na isinara na ang Libya-Tunisia border na unang ginamit na exit point para sa repatriation ng mga OFWs.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi lamang ang Tunisia border ang exit points sa paglilikas ng mga Pinoy kundi maging sa ibang bahagi ng Libya kabilang na rito ang patungo sa Egypt at Greece.

Nauna ng inihayag ng Department of Foreign Affiars (DFA) na pinalawig pa nila ang araw ng paglilikas sa mga Pinoy na nais umuwi ng Pilipinas bunsod ng kaguluhan sa pagitan mga demonstrador at grupo ni Libyan Leader Moammar Gadhafi.

Sa kabilang dako, pinayuhan naman ni Valte ang ilang mga OFWs na mag-apply ng loan assistance sa OWWA sakaling mabibitin sa P10, 000 na ipinagkakaloob na tulong ng gobyerno matapos na maipit ng kaguluhan sa Libya.

Nakarating sa Malakanyang ang pagrereklamo ng ilang OFWs na kulang umano ang financial assistance ng pamahalaan.

“Naiintindihana naman po natin ‘yung concern nila. Ang sinasabi rin po kasi ng OWWA kung nakukulangan po sila sa binibigay na assistance ay puwede silang mag-apply for loan assistance para po madagdagan ‘yung tulong sa kanila,” ayon kay Valte.

May mga trabaho rin aniya na naghihintay sa mga OFWs bagamat hindi sapat ang sahod hindi tulad ng kanilang kinikita sa Libya. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply