Nawawalang patay sa Japan 11,000 na

UMABOT na sa 11,000 ang patay at nawawala dahil sa tumamang magnitude 8.9 na lindol na sinundan pa ng higanteng tsunami sa northern Japan noong nakaraang linggo.

Ayon sa awtoridad sa Japan, umabot na sa 3,676 ang kumpirmadong patay at 7,558 pa ang nawawala.

Sa Miyagi Prefecture, 1,816 na ang patay at 2,011 ang hindi pa natatagpuan.

Sa bayan ng Minami-sanriku ay natagpuan ang may 1,000 bangkay ang natagpuan at nasa 8,000 o kalahati ng populasyon ang nawawala.

Nakita rin ng mga awtoridad ang daan-daang bangkay sa karagatan ng Oshika Peninsula. Sa bayan ng Onagawa  sa nasabing peninsula, 5,000 o kalahati rin ng populasyon ang hindi pa nakikita.

Ang Iwate Prefecture naman ay mayroon nang 1,296 ang kumpirmadong patay, samantalang 3,318 ang nawawala.

Sa mga lungsod ng  Rikuzen-takata at Ofunato ay naiulat na may  373 kumpirmadong patay at nawawala pa ang may 1,282.

Sa Fukushima Prefecture ay may 509 patay at 2,220 missing. Sa bayan ng Namie, hindi pa makita ang may 900 residente nito.

Samantala, nasa 440,000 mamamayan ng Japan ang nanunuluyan sa 2,400 na evacuation center sa  northeastern at central prefectures.

Naiulat na nagkakaroon ng kakulangan sa pagkain at inuming tubig ang mga biktima. Bineza Zapanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply