NBA: Kevin Love magtatala ng bagong record

MAGTATALA ng bagong record si Minnesota Timberwolves forward Kevin Love sa National Basketball Association.

Nakamtan na ni Love ang most consecutive double-double record ni Moses Malone na naitala pa noong 1978-1979 NBA season. Nagtala si
Malone ng 51 consecutive double-double at pinantayan ito ni USA Basketball Olympic Gold Medal member Kevin Love sa laban nila kontra Dallas kahapon, Marso
8, 2011.
Bumuslo ng 23 puntos at kamamada ng 17 rebounds ang naturang manlalaro
sa kanilang huling laban.

Napabalitang may tama umano ang tuhod ni Love subalit sinabi ng Minnesota na hindi makakaapekto ito kay Kevin. Hindi nagpractice ang timberwolves player nitong martes dahil sumailalim ito sa MRI exam.

Susubukan niya bukas, Marso 10, 2011 na mabura ang record ni Moses sa labanan nila kontra sa katunggaling Indiana Pacers sa court ng Pacers mismo.

Ang Timberwolves ay kasalukuyang may kartadang 15-50 win-loss record kasunod lang sa kulilat na Cleveland Cavaliers ng may record na 12-50. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply