Negosyante nagbaril sa harap ng ka-live in

TULALA pa rin hanggang sa kasalukuyan ang isang babae matapos magpakamatay sa kanyang harapan ang kinakasama sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa Taytay.

Kinilala ni Taytay chief of Police P/Supt. Arthur Masungsong ang biktimang si Charlton Villegas, 37, negosyante at residente ng Blk-2,Lot-5 Jasmin St., Summerville Subd., Brgy.Dolores, nasabing bayan.

Sa ulat, naganap ang pagpapakamatay ng biktima dakong 10:45 ng gabi sa loob mismo ng bahay na tinitirhan ng biktima at kinakasamang si Michelle Luisa Eduarte.

Nabatid na nag-uusap ang biktima at kinakasama kaugnay ng problema ng una sa family business nito habang umiinom ng beer.

Nang malasing ang biktima ay inilabas nito ang kanyang baril na kalibre .45 saka nagbaril sa bibig sa harap ng kinakasama.

Sa tulong ng ilang kasambahay ay nadala sa pagamutan ang biktima pero binawian din ng buhay. Jhie Convocar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply