Negosyo at Kalusugan Mula sa Tanglad

ALAM mo bang may ginto sa lemongrass, mas kilala sa tawag na ‘tanglad’ o ‘salay’ sa Katagalugan at Kabisayaan? Kilala din itong ‘aromatic herb’ na pangunahing sangkap sa pagluluto ng ulam sa Thailand at Vietnam. Ginagamit na rin ito ngayon para sa medicinal purposes gaya ng paggawa ng essential oil, sabon, hydrosol, citronella, shampoo, conditioner, scrub, astringent, antiseptic, anti-depressant at marami pang iba.

Isang kumpanya sa ngayon partikular ang Gold in Grass Corporation ay nakatuklas ng tatlong pangunahing produkto mula sa tanglad: ang lemongrass essential oil, lemongrass hydrosol, at citronella na nagbibigay ng maraming benepisyo mula sa pagkakaroon ng karamdaman hanggang sa pagluluto.

Ang mga produktong ito ay nagawa mula sa isang imbensyong pasilidad ni Bienvinido Baligod, 68, tubong Iloilo City ang modular steam distillation equipment noong 2001 na nagkakahalaga ng P7-milyon. Ito ay gawa sa foodgrade stainless material na mayroong condenser, oil separator at boiler para sa pagdadalisay ng produkto.May kakayahan itong magluto ng hanggang isang toneladang tanglad.

Sa nakaraang Innovations For Business Expo 2011 na pinangunahan ng Technology Resource Center (TRC) ng Department of Science and Technology (DOST) 34th anniversary celebration, isa ang Gold In Grass Corporation sa matagumpay na exhibitor.

Ayon kay Ms. Lilia Pelayo, marketing manager ng nasabing korporasyon at kapatid ng imbentor, ang naturang pasilidad ay napasama din bilang 8th finalist sa 2003 Asian Innovations Award.

Aniya mula 2001 hanggang 2003, tinutukan niya at ng imbentor ang aspeto ng research and development ng nasabing tatlong produkto. Mayroon na rin silang plantasyon ng tanglad sa Sariaya, Quezon at Cagayan Valley kaya’t sapat ang kanilang raw materials para sa paggawa ng mga produkto.

Sa personal na panayam ng Remate Online kay Ms. Pelayo, hindi nito naitago ang kaniyang tampo sa ilang mga pangunahing ahensiya ng gobyerno na nagpapautang sa maliliit na mamumuhunan dahil nabigo siyang makapag-loan ng sapat na halaga para sa pagpapagawa ng modular steam distillation equipment.

“Ayoko nang magtangkang mag-apply mag-loan. Sawa na ako. Nakakadala. Lagi na lang akong ini-interview, sumailalim sa katakot-takot na inspeksiyon ang planta, pumapasa naman. Kaya lang sa total na P7 milyong halagang equipment, P1-M lang ang kayang ipautang.  I said no thanks!”

Sa ngayon, sinikap na lamang ng kumpanyang makapag-ipon at makapag-eksperemento pa ng mga karagdagang produkto pa habang unti-unting nakikilala ang kanilang produkto.

Open para sa dealership

Bukas na sa dealership ang Gold in Grass Corporation para sa nais magsimula ng maliit na kabuhayan.

Ayon kay Ms.Pelayo, sa halagang P10,000,  may starter kit ka na ng tatlong pangunahing produkto at iba pa at may diskwento na itong 30 porsyento.

Ide-deliver ang starter kit saan ka mang lugar sa Maynila at malalapit na lalawigan. Ang kanilang sales office ay nasa San Pedro, Laguna. Maaaring makipag-ugnayan sa  inquiry@goldinggrass o tumawag sa # 09189451676 at 8084967. Hanapin lamang si Ms. Lilia Pelayo.

Benepisyo ng 3 pangunahing produkto

Lemongrass Essential Oil
Maraming benepisyong dulot ang essential oil. Ayon kay Ms. Pelayo, kung ikaw ay may insomnia o hindi makatulog sa gabi, kumuha ng kapirasong tissue paper, patakan ng langis na ito at ilagay sa ilalim ng punda ng unan (hindi sa loob) at higaan. Tiyak hihimbing ang tulog mo.

Nagsisilbi din itong ‘blood thinner’ sa mga may high blood na nagpapalabnaw ng dugo. Pwede rin itong astringent at proteksiyon sa pagkalagas ng buhok at fungicide na nakakatutulong sa pagkontrol ng athlete’s foot.

Mabisa din itong gamitin sa paghahanda ng inumin gaya ng juice, kape o tsaa.  Isang patak lang ay
nagdudulot ito ng aroma ng purong tanglad.

Hindi rin ito pahuhuli sa pagluluto bilang pampalasa at pang-alis ng langsa ng karne. Sa pagma-marinate ng karne ng baka, manok at iba pang gaya nito,  patakan ng lemongrass essential oil ang pagbababaran at madaragdagan ang pagkasabik sa iyong lutuin dahil sa nakatutuksong aroma nito.

Citronella

Ito ang natural insect repellent. Mabuti at ligtas sa baga ng mga bata, nagdadalantao at sa kapaligiran. Ito ay pesticide din. I-spray sa mga muebles at sulok ng bahay upang itaboy ang mga insekto. Epektibo ito sa loob ng 6 na oras. Gawa sa 100% puro at unadulterated citronella.
Epektibo din itong deodorizer sa mga palikuran. Sa isang cotton bud, isawsaw sa citronella at  iwanan sa CR maghapon at tiyak na amoy mabangong paligid ang banyo.

Lemongrass Hydrosol
Babala: Ang produktongito ay 100 porsyentong puro at ‘unadulterated’.

“This is highly diuretic and should not be taken by pregnant and expecting women. For the same reason, it should never be taken in by someone who has Type I diabetes.”

Ang lemongrass hydrosol ay tumatagal ng 2 taon ka pag nasa tamang lalagyan, nakatakip ng mabuti at nasa lugar na may tamang temperature at hindi naiinitan.

Sa mga tinanatamad mag-breastfeed dahil umano’y wala silang sapat na gatas sa dibdib, nakatutulong ang hydrosol sa pagpapadami at pagpapaganda ng kalidad ng gatas. At dahil lapitin sa impeksiyon ang mga sanggol, ito ay nakatutulong din sakalusugan ng baby.

“The anti-microbial and anti-bacterial properties of lemongrass oil are also absorbed in the milk and thus indirectly helps the baby get rid of such infections,” paliwanag ni Ms.Pelayo.

At dahi ldiuretic ang hydrosol, nadaragdag ito kapwa ng dami at nagpapaganda sa kalidad ng ihi.

Alam mo ba na 4% ng ihi ay fats? Habang umiihi, mas lalong nababawasan ang taba sa katawan.

Nakatutulong din ang produktong ito sa mabilis na pagtunaw ng pagkain, nakapagpapababa ng blood pressure, nakapapawi ng paninigas ng tiyan at nakapagpapatibay ng ngipin. Nakapaglilinis din ito ng kidney.

Mabisa din itong nerve tonic. Taglay nito ang epekto na nagpapakalma ng isip, tensiyon at pagkalito.

Lagyan lang ng 2 kutsaritang hydrosol ang 8 oz ng tubig, patakan ng honey at gawing daily drink.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply