Negros Occ. binaha, residente inilikas

INILIKAS ang maraming pamilya sa Silay, Negros Occidental dahil sa pagbaha bunsod ng malakas na ulan kagabi, Marso 3.

Natulog sa evacuation center ang mga residente ng naturang lugar makaraang lumubog ssa tubig baha ang siyudad sa tatlong oras lamang na walang patid na pagbuhos ng malakas na ulan.

Nabatid na umabot sa baywang hanggang leeg partikular sa low lying areas.

Pansamantalang nanunuluyan ngayon ang mga apektadong pamilya sa civic center at isang paaralan sa naturang lungsod.

Sa kasalukuyan ay humupa na rin ang baha at inaasahang babalik na sa kani-kanilang mga tahanan ang mga inilikas. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply